Ang Turista

Ang Turista

Bumibisita si Jim sa lungsod ng Maynila.
172Matanong lang Miss, paano po papunta sa Luneta Park?
856Kailangan mo pang sumakay ng bus papuntang Ermita.
856Nandiyan lang sa kanto ang babaan ng bus.
172Salamat po !
856Walang anuman.
856Taga-saan po pala kayo ?
172Taga-Seoul ako.
856Ah! Gustong-gusto ko ang Korea!
856Mahilig ako sa K-pop, at nag-aaral din ako ng wikang Koreano!
172Astig!
856Nagbabakasyon po ba kayo rito?
172Hindi, nandito ako para mag-aral ng Tagalog...
172…at para ring magtingin-tingin sa siyudad!
856Ah, ako nga pala si Bianca. At ikaw?
172Ako pala si Jim.
856Kumusta, Jim!
856Gusto ko sanang makipag-usap pa sa iyo, kaso kailangan ko nang umalis.
856Makikipagkita kasi ako sa mga kaibigan ko eh.
172Ah, sige.
856Hmm... Gusto mo bang sumama sa amin?
856Hindi nga lang kami pupunta sa Luneta, pero...
172Ayos, taraa!