
Ang Almusal
Linda!
Ano ba, Marcelo! May importante akong eksamen ngayong araw!
Alas-sais pa lang nang umaga! Bakit gising ka na?
Sorpresa iyon! Hali ka sa kusina!
Sige, tayo na!
Marcelo... para sa akin ba ang almusal na ito?
Suprise!
Alam ko namang may importante kang pagsusulit ngayon…
...at kailangan mo ng masarap na almusal na may pandesal, tapsilog, gatas at champorado!
Ay, Marcelo, ang sweet mo naman!
Maraming salamat.
Pero wala na akong oras ngayon para kumain! Kailangan ko nang umalis!
Gusto ko lang ng kape.
Ay, hala...
Bakit?
Ubos na ang kape, pero puwede pa ako magtimpla ulit.
Marcelo! Anong nangyari? Kailangan ko ng kape!
Maaga kasi akong nagising para maghanda nitong almusal...
…at kinailangan ko rin ng kape!Ang Almusal