Nasa isang karinderya si Vik.
Magandang umaga po!
Magandang umaga. Mayroon akong tanong.
Ako ay behetariano.
Mayroon ba kayong pagkain na walang karne?
Opo, mayroon kaming napakasarap na Bistek Pandesal.
Bistek? Behetariano ako, hindi ako kumakain ng karne.
Ah, opo, pasensiya po!
Mayroon din kaming masarap na Adobong Manok.
Ang manok ay karne.
At hindi ako kumakain ng karne!
Ah, opo. Mayroon din kaming mga ensalada...
Ah, mahilig ako sa mga ensalada.
Mayroon kaming Ensaladang Talong na may sibuyas, kamatis, at may halong bagoong!
Hindi ako kumakain ng bagoong! Behetariano ako!
Ah, mayroon kaming Champorado...
Sige, puwede ako kumain ng Champorado.
Sige po! At gusto niyo rin ng tuyo kasama ng Champorado ninyo?
Ano ba! Hindi ako kumakain ng karne!