Ano Ang Kailangan Mo

Ano Ang Kailangan Mo

Si Oscar ay nasa isang tindahan ng damit.
Nakita niya si Zari, ang kanyang estudyante. Nagtatrabaho siya sa tindahan.
592Zari! Mabuti at nakita kita rito!
418Magandang umaga po!
418Kailangan niyo po ng tulong?
592Oo, salamat! Kailangan ko...
418Ah, alam ko na po! Kailangan niyo ng bagong Amerikana!
Kumuha si Zari ng isang Amerikana.
592Hindi, Zari, hindi ko kailangan ng isang Amerikana.
418Ah! E 'di kailangan niyo po ng bagong barong!
418Bagay po sa inyo ang kulay berde!
592Hindi, Zari, pakiusap...
592Hindi ko kailangan ng Amerikana. Hindi ko rin kailangan ng barong. Kailangan ko...
418Ng sumbrero! Kailangan niyo po ng sumbrero!
592Hindi! Hindi ko kailangan ng anumang damit!
592Kailangan kong malaman...
592Nasaan ang banyo? Ihing-ihi na ako!