Salamat?

Salamat?

Si Zari ay nagbigay ng isang regalo kay Lily.
416Ano ito?
418Buksan mo!
Binuksan ni Lily ang regalo.
416Ah, isang kamiseta.
418Wow, napakaganda!
416Pula siya...
418Ayos! Pula ang paborito kong kulay!
416...at may larawan ng pusa...
418Gustong-gusto ko ang mga pusa!
416...at nakasakay ang pusa sa isang kotse...
418Oo, sobrang nakakatawa!
418Saktong-sakto ito para sa isang pangkaarawan na regalo!
416Pero Zari, hindi ko kaarawan ngayon.
418Alam ko. Kaarawan ko kasi ngayon.
416Ah…
418Palagi mong nakakalimutan ang kaarawan ko.
418Ngayon, puwede mong iregalo sa akin ang kamisetang ito!
416Ah sige... salamat?
418Hindi, huwag mo akong pasalamatan, pasalamatan mo ang sarili mo!