Isang Napakaruming Apartment

Isang Napakaruming Apartment

Binibisita ni Bea ang apartment ng kanyang kaibigan na si Lena.
507Uy, Lena! Kumusta ka na?
175Badtrip ako ngayon!
507Bakit...
507...anong nangyari?
175Lagi kaming nag-aaway ng bagong kakuwarto ko.
507Hindi ako nagugulat. Parang Payatas itong kusina ninyo!
175Oo, alam ko.
507Nyek! Ano iyan sa mesa? Inaamag na tinapay?
175Oo, kadiri!
507At hindi pa nalalabhan itong mga damit na nakatambak sa silya!
507Teka... Lena, hindi ba kamiseta mo ito?
175Akin nga.
507Iyo pala ang lahat ng damit na ito!
507At iyo rin ba ang inaamag na tinapay?
175Oo, kailanman hindi ako naglilinis, at palaging galit sa akin ang kakuwarto ko.
175Nakaka-badtrip talaga!