Kasama ni JunJun si Zari habang nasa trabaho si Eddy. Ate Zari! Puwede tayo maglaro ng bago mong video game? Ay… Hindi, JunJun. Ipinangako ko sa tatay mo na lilinisin ko ang bahay bago siya umuwi. Sige... Puwede ako maglaro habang naglilinis ka? Pasensya na JunJun, hindi pambata ang larong ito. Tap what you hear Hindi na kaya ako bata! Ah, pero mga bata lang ang hindi marunong maghugas ng pinggan. Marunong ako maghugas ng pinggan! What comes next? Nagsimula si JunJun maghugas... ...ng pinggan. Kita mo, Ate Zari? Ah, pero kung hindi ka na bata, marunong ka rin dapat magsampay ng damit. Marunong din ako magsampay ng damit! Select the missing phrase Nagsampay si JunJun ng mga damit. Ang galing! Naks, JunJun, hindi ka na nga bata. Sabi ko nga, 'di ba? Ngayon puwede na tayo maglaro? Ay! Alas nuwebe na pala! Kailangan mo nang matulog. Pero hindi na ako bata! Puwede na ako matulog nang kahit anong oras! Tap the pairs kahit ano any magsampay to hang clothes marunong know how to ipinangako promised pambata for children