Hapunang Pizza

Hapunang Pizza

EddyJunJun! Ano⁠ng gusto mong kainin para sa hapunan ngayong gabi?
JunJunPizza! Walong-taong gulang ako, pizza lagi ang gusto ko.
EddySige! Puwede tayo gumawa ng pizza!
JunJunO kaya tumawag na lang tayo sa pizzeria, at...
JunJun...bumili ng pizza!
EddyPero mas masayang gumawa ng sarili nating pizza!
JunJunMasaya para sa iyo?
EddyMasaya para sa ating mag-ama!
JunJunSige. Ano ang kailangang gawin?
EddyMahusay! Puwede ka bang maghanap ng harina, tubig, at asin?
JunJunSige...
EddyNgayon, paghalo-haluin natin.
Pinaghalo-halo nina Eddy at JunJun ang harina, tubig, at asin.
JunJunPapa, tapos na ba tayo? Masyado itong mahirap, at nagugutom na ako.
EddyHindi pa JunJun. Ngayon, kailangan nating maghintay.
JunJunKailangan pa nating maghintay?!
EddyAng masa ay hindi pa handa.
JunJunAt kailan ito magiging handa?
EddySa dalawang oras.
Napatitig lang si JunJun kay Eddy.
EddyBibili na lang ako ng pizza.
JunJunYehey! Salamat Papa! Ikaw ang pinakamagaling na tatay sa buong mundo!