Bumibisita si Lucia sa kaniyang probinsya sa Batangas kasama ang kaniyang apo na si Lin. Nagmamasyal sila malapit sa dalampasigan.
Napakasaya akong makauwi ulit dito!
Kailan ba kayo tumira sa Batangas, Lola?
Tatlumpung taon nang nakalipas.
Puwede na po tayo pumunta sa dalampasigan ngayon?
Sige, pero magbabanyo muna ako.Pumunta si Lucia sa banyo.
May isang matandang lalaking namamasyal din malapit sa kanila.
Huminto siya at tumingin kay Lin.
Iha, kahawig mo ang isang dalagang nakilala ko, maraming taon nang nakaraan.
Pasensya po?
Minahal ko siya nang sobra, pero…
...hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon.Bumalik si Lucia mula sa banyo.
Lucia!
Magkakilala ba tayo?
Ako ito, si Marco!
Nagpadala ako ng napakaraming sulat sa iyo, pero ni-isa, hindi mo sinagot.
Kailanman ay hindi ko natanggap ang mga sulat mo. Sumakay ako sa barko para libutin ang mundo.
Pero nandito ka ngayon! Puwede na tayo magkasama!
Hindi pupuwede ngayon, papunta na kami sa dalampasigan ng apo ko.
Sa susunod, magpadala ka na lang ng email!