Isang Tanong

Isang Tanong

JunJunPapa, mayroon akong isang tanong.
EddyPasensiya JunJun, huwag muna ngayon.
EddyMay mahalagang laro ng futbol ngayon sa telebisiyon.
EddySugod! Sugod! Sugod!
JunJunPero kailangan ko ng pera!
EddySige! Wahoo!
JunJunTotoo?
JunJunKailangan ko ng perang pambili ng tsitsaron.
EddySige ! Sige ! Sige!
JunJunAt gusto ko rin ng bagong selpon.
EddyTuloy lang! Ang galing!
JunJunAt bukas, hindi na ako papasok sa klase!
EddyOo! Sakto!
JunJunNaks! Ang dali!
JunJunPupunta na ako sa pamilihan!
EddyWagi!
JunJunMauuna na po ako, Papa! Paalam!
EddyHay, pasensya na JunJun.
EddyAng tindi ng laban!
EddySige na JunJun, ano ang kailangan mo?
EddyHa? JunJun? Nasaan ka na?