Ang Reserbasyon

Ang Reserbasyon

Pupunta sina Bea at Lin sa isang mamahaling kainan.
507Ang ganda rito!
508Maligayang kaarawan, Bea!
385Magandang gabi po sa inyo!
508Magandang gabi. Mayroon akong reserbasyon para sa dalawa.
385Ah, ano po ang pangalan ninyo?
508Lin.
385Ah, sandali lang po.
385Ito na po ang lamesa ninyo...
385At ito po ang aming menu.
508Ay...
507Ang mahal dito, Lin.
508Oo nga...
507Ano ang gusto mong kainin?
508Ahm... Salad siguro...
508Ha?!
508Isanlibong piso para sa isang ensalada?!
508Gusto ko na lang ng isang masarap na...
508…baso ng tubig.
507Ako naman, gusto ko ng salad!
507At ng lechon kawali!
507At ng haluhalo!
508Ah...
507Sa isang mumurahing kainan!
508Pero Bea, mahalaga ang araw na ito.
507Oo nga, ang araw ay mahalaga.
507Ang kainan, hindi.
508Hay, salamat... Kasi gutom na gutom na ako!