Damit Para Sa Bakasyon Ko

Damit Para Sa Bakasyon Ko

Nasa isang tindahan si Lucia.
416Magandang umaga po. Kailangan niyo po ng tulong?
509Oo, kailangan ko ng damit para sa bakasyon ko.
416Sige po.
509Kailangan ko ng isang bestida.
Naghanap si Lily ng isang pulang bestida.
509Hindi! Gusto ko ng isang asul na bestida!
Naghanap si Lily ng isang asul na bestida.
509At gusto ko rin ng tsinelas.
Naghanap si Lily ng itim na tsinelas.
509Hindi! Gusto ko ng kayumangging tsinelas.
416Sige po...
509Isang asul na bestida, mga kayumangging tsinelas...
509...at isang sombrero!
Naghanap si Lily ng isang dilaw na sombrero.
509Hindi! Gusto ko ng isang kulay-abo na sombrero!
Naghanap si Lily ng isang kulay-abo na sombrero.
509Salamat! Handa na ako para sa bakasyon ko!
416Ako naman ang kailangan ng bakasyon ngayon.