Gusto ko ng Aso

Gusto ko ng Aso

415Papa, may sasabihin po ako.
415Gusto ko ng aso.
414JunJun, ang pag-alaga ng aso ay isang napakalaking trabaho.
415Papa, sige na! Kayang-kaya ko ang trabaho!
414Ah? Sige.
415Yehey!
414Pero kailangan mo munang magwalis ng sahig...
415Sige po!
414...at maglinis ng banyo...
415Opo…
414...at maghugas ng mga pinggan.
415Ah...
Pagkalipas ng tatlong oras, natapos si JunJun sa mga gawaing-bahay.
415Papa, tingnan mo!
414Wow, magaling! Napakaresponsable ka nga talaga, JunJun!
414Puwede ka na mag-alaga...
414...ng aso!
415Huwag po! Ayaw ko na ng aso...
414Ha? Bakit?
415Pagod na pagod na ako. Ayaw ko na ng malaking trabaho!