Tanghalian na sa paaralan ni JunJun.
Magandang tanghali, Gng. Perez! Gutom na gutom na ako!
Kumusta, JunJun! Ang ulam natin ngayon ay adobong manok.
At bukod pa sa manok...
...ay puwede kang pumili ng atchara o ng kamote cue.
Gusto ko silang pareho, atchara at kamote cue!
Isa lang sa dalawa ang puwede mong piliin, JunJun.
Hmm, gustong gusto ko ang kamote cue...
...at kailangan ko ng matamis para maging mas masigla...
...pero mas malusog ang atchara.
JunJun?
Kamote cue o atchara?
Sige po, gusto ko ng kamote cue. Ay, hindi! Gusto ko ng atchara. Ay, teka lang...
Hay, hindi ko alam!
JunJun!
Ay, opo, Gng. Perez?
Ito na, bigay ko na sa iyo ang pareho, kamote cue at atchara.