Ang Larawan

Ang Larawan

Nasa parke si Oscar, kasama ang kanyang kaibigan na si Lucia.
Nagpipinta si Oscar ng larawan ni Lucia.
592Sige, puwede mo na tingnan ang larawan. Nagugustuhan mo ba?
Tumingin si Lucia sa larawan.
509Oscar, bakit asul ang buhok ko rito?
592Mahilig kasi ako sa asul.
509At bakit ganito kalaki ang noo ko?
592Malay ko ba, noo mo iyan.
509At bakit ganito ang itsura ng ilong ko?
592Maganda kaya ang ilong mo.
509Oo, maganda ang ilong ko, pero hindi maganda ang nasa larawan.
592Gusto mo ba ang larawan o hindi?
509Paumanhin, pero hindi ko ito gusto.
Dumaan ang isang mama at tumingin siya...
...sa larawan.
438Wow, ganda! Bigyan kita ng isanlibong piso para sa larawang iyan.
Kinuha ni Lucia ang larawan.
509Ahem, larawan ko ito, at ang halaga ay dalawanlibong piso.