Nakita ni Zari si Oscar, ang kanyang guro sa sining, sa eskuwelahan.
Ginoong Oscar! Pa-picture po ako!
Bakit?
Kailangan ko po para sa Facebook ko.
Zari, mahuhuli na ako para sa pagpupulong ko kasama ang ibang mga guro.
Sige na po!
Hay, sige na nga.
Salamat po! Ito na po ang selpon ko.
Sige.
Ay, sandali, maganda po ba ang ayos ko?
Hindi ko alam.
Ay, tiyak naman, palaging maganda ang ayos ko.
Ayos.
Sandali lang po, saan ako tatayo? Sa tabi ng pinto, o sa harap?
Sa tabi ng pinto.
Hmm... Sa tingin ko mas maganda sa harap ng pinto.
Zari!
Sige po, puwede niyo na po akong picturan.Nagpicture si Oscar.
Salamat po!
Ay, sandali lang, mali po ito! Ako dapat ang pinicturan ninyo, hindi kayo!
At agad nang naka-share?!
Hala…
Wow! Ang galing! Limampu na ang nag-like sa picture ninyo!