Nasaan ang susi ko?

Nasaan ang susi ko?

Magkasama ang maglolang sina Lucia at Lin.
509Mayroon tayong reserbasyon sa isang sosyal na kainan ngayong gabi.
509Tayo na. Ayaw kong ma-late.
508Sige po!
508Ay, hala! Nasaan na ang susi ng motorsiklo ko?
509Palaging nawawala ang susi mo. Iniiwan mo lagi sa mga kakaibang lugar.
509Nasa bulsa mo ba?
Hinanap ni Lin ang susi sa bulsa niya.
508Hindi po, wala rito.
509Nasa ilalim ba ng kama mo?
508Hindi rin po, wala rito ang susi ko.
509Nasa loob kaya ng sapatos mo?
508Lola, katawa-tawa naman po iyan.
508Hindi ko talaga mahanap ang susi ko... Mag-taksi na lang po tayo?
509Hindi na rin tayo aabot kung umalis tayo ngayon.
508Paumanhin po.
509Okey lang, Lin. Puwede naman ako magluto para sa hapunan natin.
Binuksan ni Lucia ang pinto ng ref.
509Lin, nandito pala ang susi mo!