May Sakit Ako

May Sakit Ako

415Papa, may sakit ako!
414Ay, hala!
Dinama ni Eddy ang noo ni JunJun.
414Hmm... wala ka namang lagnat.
415Pero masakit ang mata ko! Gusto kong pumunta sa opisina ni Doktora Del Mundo!
414Sige.
Pumunta ang mag-ama sa opisina ni Doktora Del Mundo.
341JunJun! Kumusta ka na?
415May sakit po ako! Masakit ang mata ko!
341Ay! Huwag kang mag-alala, matutulungan kita.
Tiningnan ni Doktora Del Mundo ang mata ni JunJun.
341Hmm… mabuti naman ang iyong mata, JunJun.
415Ah, sigurado po kayo? Pero masakit din ang kamay ko!
Tiningnan ni Doktora Del Mundo ang kamay ni JunJun.
341Mabuti rin ang kamay mo, JunJun.
414Doktora, walang anumang karamdaman ang anak ko?
341Wala, malusog na malusog siya.
341Wala kang sakit JunJun.
415Mayroon po! Matindi ang sakit ko!
341JunJun, nandito ka lang ba kasi lagi kitang binibigyan ng tsokolate?
415Um… opo.
414JunJun!
415Eh… puwede niyo po akong bigyan ng tsokolate ngayon?