Ang Diary

Ang Diary

Nasa eskuwelahan sina Zari at Lily.
418Lily, napapraning na ako! Hindi ko mahanap ang diary ko!
416At ano ang problema?
418Nagsusulat ako tungkol kay Miguel sa diary ko!
416Si Miguel? Ang lalaki sa klase natin?
418Oo, Kailangan ko talagang mahanap ang diary ko!
416Ah… Sige...
Hinanap nila ang diary ni Zari.
416Hindi ko mahanap, Zari.
418Hay naku! Ito na ang pinakamasamang araw sa buong buhay ko!
Nakita nila si Miguel. Hawak niya ang isang kulay rosas na kuwaderno.
418Ay, hala! Si Miguel! At nasa kanya ang diary ko!
790Zari! Kumusta! Iyo ba itong diary?
418Ay, hindi!
416Pero may nakadikit na sticker ng pangalan mo.
418Ay, hehe, oo nga, akin iyan, pero...
790Huwag kang mag-alala, Zari, hindi ko mabasa ang sulat mo.
418Ah... mabuti!
790Um, Zari? Gusto mo bang sumama sa akin manood ng sine sa Biyernes?
418Oo!
790Sige! Magkita tayo sa Biyernes!
418Paalam!
418Lily, ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko!