Ang Mga Bulaklak Ni Oscar

Ang Mga Bulaklak Ni Oscar

Nasa hardin si Oscar nang makita niya ang kanyang kaibigan na si Eddy.
592Eddy? Ikaw ba iyan? Aba, nakaporma ka ngayon ah! Ngayon lang ata kitang nakitang nakasuot ng polo!
414May bago kasi akong nililigawan, at magkikita kami ngayon!
592Ah, at may dala ka bang mga bulaklak o tsokolate para sa kanya?
414Eh... wala. Pero wala na akong oras para bumili ng mga regalo. Mahuhuli na ako!
592Baka gusto mong kumuha ng ilang mga bulaklak dito mula sa hardin ko?
414Ah, hindi. Salamat na lang Oscar.
592Pero gusto mo ba ang babaeng ito?
414Oo, sobra! Nakakatawa siya, at masarap kasama!
592Sige, kaya kunin mo na itong mga bulaklak.
414Oscar, Ayaw kong kunin ang mga bulaklak mo!
592Pero bakit?
Bumahing si Eddy.
592Eddy, ayos ka lang ba?
414Hindi, alerdyik ako sa mga bulaklak!
592Eddy, sobrang pula na ang mga mata mo.
414Uh... Masama na ang pakiramdam ko!
592Ah... Sige, mag-enjoy ka sa date mo!