Ano Ang Pangalan Mo?

Ano Ang Pangalan Mo?

Nasa isang salusalo sina Lily at Zari.
418Napakasaya rito! Gusto kong sumayaw!
416Hindi ako sumasayaw.
418Uy! Sino iyan? Ang guwapo niya!
416Ah, kaklase ko siya sa Ingles. Bahay niya ito.
418Ano ang pangalan niya?
416Eh, Juan? Pedro? Ay, hindi ko alam.
418Hoy, Kuya! Puwede ka ba namin kausapin?
416Zari! Ano ang ginagawa mo?
416Ngayon papunta na siya sa atin. Baka kakausapin niya tayo!
418Tamang-tama!
416Pero hindi ko maalala ang pangalan niya!
418Antonio kaya?
416Hindi.
418Thomas?
416Hindi.
418Ah, baka…
416Zari! Hindi ko alam ang pangalan niya!
418Uy! Papunta na siya rito!
416Ay, hala!
419Kumusta, Lily!
419Handa ka na ba para sa pagsusulit natin sa Ingles?
416Oo.
Tumingin ang lalaki kay Zari. Tumingin si Zari kay Lily. Tahimik lang si Lily.
418Kumusta, ako si Zari!
419Kumusta, Zari.
418At ano ang pangalan mo? Hindi maalala ni Lily.
416Zari!