Ang Kaarawan ni JunJun

Ang Kaarawan ni JunJun

Natutulog si Eddy nang tumakbo si JunJun papasok ng kuwarto.
JunJunPapa! Papa!
EddyHa? Ano? Ah, magandang umaga, JunJun.
JunJunPapa! Hindi na ako makakapaghintay para sa handaan ng kaarawan ko.
EddyAh? Oo... Maligayang bati, JunJun!
EddyAnong klaseng handaan ang gusto mo?
JunJunHindi ko alam.
JunJunPero gusto ko ng tsokolate! Napakaraming tsokolate!
EddySige, JunJun! Kaarawan mo naman!
JunJunAt puwede rin tayo magpagawa ng isang napakalaking chocolate cake?
EddyWalang problema, JunJun.
JunJunYehey! At gusto ko rin ng isang salusalo kasama ang lahat...
JunJun...ng mga kaibigan ko!
EddyAh, oo! Iimbitahan natin silang lahat!
EddyAt anong oras mo gustong simulan ang salusalo?
Tumingin si Eddy sa selpon niya.
EddyTeka lang… Enero pa lang ngayon ah! Sa Mayo pa ang kaarawan mo!
JunJunOpo, pero…
JunJun…puwede pa rin tayo kumain ng tsokolate ngayon, Papa?
EddySige, JunJun.