Wala Akong Pasok Ngayon

Wala Akong Pasok Ngayon

Nasa kusina si Vik.
Dumating ang kanyang asawa na si Priti.
560Magandang umaga, Hon!
593Sandali lang… Bakit nasa bahay ka pa? Martes ngayon ah.
560Wala akong pasok ngayon. Libre ako buong araw!
560Handa na ako para sa araw na ito. Marami akong gustong gawin!
Pumunta si Priti sa gym.
Pagkatapos, lumibot siya sa ilang mga museo.
Umuwi si Priti at nagbasa ng libro sa hardin.
593Ah, Priti! At kumusta ang araw mo ngayon?
560Ah... mabuti naman Hon, pero wala na akong magawa. Magsimula na kaya tayong maghanda ng hapunan?
593Hapunan? Pero alas dos pa lang ng hapon.
560Ay, sobrang aga pa! Ano ang puwede kong gawin?
593Magpahinga ka lang, Hon. Ito o, humiga ka sa kama.
Humiga si Priti nang ilang minuto.
560Ayaw ko nang magpahinga, Hon. Naiinip lang ako. Papasok na lang ako sa trabaho.