Nasa zoo sina Eddy at JunJun.
Malapit sila sa mga elepante.
Papa, gusto kong puntahan ang mga unggoy!
Ha, bakit? Hindi ba ayaw mo na sa mga unggoy, mula noong isang beses na ninakaw nila ang saging mo?
Eh Papa, ang tagal na niyon. Gusto ko na sila puntahan ngayon. Puwede tayo pumunta?
Pero JunJun, nasa kabilang dako pa ng zoo ang mga unggoy.
Puwede tayo tumakbo! Mahilig kayong tumakbo, 'di ba Papa?
Hmm… Sige. Tama...
...mahilig nga ako tumakbo.Tumakbo ang mag-ama.
Papa, puwede mo bilisan ang pagtakbo mo?
Teka lang, JunJun, 'di ba ayaw mong tumakbo?
Opo, ayaw kong tumakbo, pero gustong-gusto ko ang sorbetes!
At may bilihan ng sorbetes sa tabi ng mga unggoy!