Ito ay Sining

Ito ay Sining

Nasa Pambansang Museo ng Sining ang magkakaibigang sina Eddy at Oscar.
Nakatingin si Eddy sa larawan ng isang aso.
414Ito ang paborito kong larawan dito sa museo!
592Hindi kaakit-akit ang larawan na iyan.
414Ha? Nakakatuwa kaya ang aso!
592Eddy, guro ako sa sining...
592...at hindi sining ang larawan na iyan.
414Bakit?
592Ang sining ay nakaaakit!
592Ang sining ay nakasasabik!
Nakita ni Oscar ang isang ensaymadang may kagat na sa ibabaw ng isang upuan.
592Ito! Ito ay sining!
414Isang ensaymada sa ibabaw ng upuan?
592Oo! Nakaaakit at nakasasabik ito! Talagang henyo ang alagad ng sining!
414Ah... hindi ko talaga naiintindihan ang sining.
Dumating ang isang lalaki, at kinain niya ang ensaymada.
592Hoy! Mama! Ano ang ginagawa mo? Hindi mo puwedeng kainin ang sining!
307Ha? Hindi ito sining, merienda ko ito!