Nasa taksi si Bea. Nakatingin siya sa kaniyang telepono.
Sa kaliwa po Manong, pagdaan sa kanto.
Hindi po, kailangan ko dumeretso nang tatlo pang kilometro.
Sabi sa telepono ko mas mabilis daw kapag dumaan dito.
Paumanhin, pero alam ko lahat ng kalye dito sa lungsod.
At alam nitong telepono ang lahat ng kalye ng lahat ng lungsod ng buong mundo.
Hahahaha, bweno, ako ang nagmamaneho, hindi ang telepono…
Pero ako ang magbabayad di ba?
Sige, sige.Lumiko sa kaliwa ang lalaki, at pinara ang sasakyan.
Nakarating na tayo. Lalangoy ka?
Hindi, magshoshopping ako. Bakit?
Kasi hindi na ako makatutuloy. May ilog, kita mo?
Ay! Sa tingin ko, hindi alam ng telepono ko...
...ang lahat ng kalye.
Pero alam ko. Tara na?
Opo. Pasensya po sa abala.
Tara na sa alam niyong daan!